Tatlong Caloocan police pinaaaresto na ng korte sa kasong pagpatay kay Kian Delos Santos

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2018 - 11:11 AM

Nagpalabas na ng warrant of arrest ang Caloocan Regional Trial Court laban sa tatlong Caloocan police na sangkot sa pagkamatay ng 17 anyos na si Kian Delos Santos.

Sa warrant of arrest na inilabas ni Judge Rodolfo Azucena Jr., ng Caloocan RTC Branch 125, ipinag-utos nito ang pagdakip kina PO3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz at PO1 Jeremias Pereda para sa mga kasong murder at planting of evidence.

Kasama ring lilitisin sa nasabing mga kaso ang police asset na si Renato Loveraz, alyas “Nonong”.

Ibinasura naman ng korte ang kasong paglabag sa Article 128 ng Revised Penal Code laban kina Pereda at Cruz dahil sa kawalan ng hurisdiksyon.

Si Delos Santos ay nasawi noong August 16, 2017 sa anti-drug operation ng mga pulis sa Caloocan.

Bagaman iginiit ng mga pulis na lehitimong operasyon ang kanilang ginawa, taliwas ito sa mga pahayag ng mga testigo at sa nakita sa CCTV footage.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: kian delos santos, three caloocan cops, warrant of arrest, kian delos santos, three caloocan cops, warrant of arrest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.