Dahil sa isyu ng human rights violations, US lawmakers tinutulan ang pagbabalik sa Pilipinas ng Balangiga bells

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2018 - 10:50 AM

AP File Photo

Tinutulan ng dalawang American lawmakers ang plano na maibalik ang Balangiga bells sa Pilipinas.

Sa kanilang liham kay Secretary of Defense Jim Mattis, sinabi nina Democratic Rep. James McGovern at Republican Rep. Randy Hultgren, na kapwa chairperson ng bipartisan na Tom Lantos Human Rights Commission (TLHRC) na hindi dapat ituloy ang pagbabalik ng Balangiga bells dahil sa nakababahalang “human rights record” ng kasalukuyang pamahalaan.

Ayon sa dalawang mambabatas, nakasaad sa National Defense Authorization Act of 2018 na pwede lamang ibalika ilipat ang Balangiga bells kung nakamit ng Pilipinas ang ilang ‘criteria’ at kabilang sa nakasaad na ang paglilipat ay dapat nakabatay sa national security interests ng U.S.

Hiniling ng dalawa kay Mattis na ikunsidera ang anila ay “major human rights violations” na kinakaharap ngayon ng gobyerno ng Pilipinas.

Hinikayat din nina McGovern at Hultgren si Mattis na huwag maglabas ng certification para sa pagbabalik ng Balingaga bells hangga’t walang malinaw na hakbang ang Pilipinas para matigil ang extra-judicial killings sa ilalim ng ‘war on drugs’.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Balingaga Bells, Democratic Rep. James McGovern, Republican Rep. Randy Hultgren, Balingaga Bells, Democratic Rep. James McGovern, Republican Rep. Randy Hultgren

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.