2 criminology students, arestado matapos manghablot ng cellphone sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2018 - 07:22 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Nangagarap na maging pulis pero sa halip na tumalima sa batas ay sila pa ang naging kawatan.

Ang 3rd year Criminology students na sina Elmer Caspe, 19 taong gulang at Jerickson Sajun, 20 taong gulang, inakalang lusot na sila matapos manghablot ng cellphone sa bahagi ng Legarda St., Quiapo, Maynila.

Pero nang dahil sa impormasyon mula sa concerned citizen at Facebook post, ay naaresto sila sa ikinasang follow-up operation ng Barbosa PCP.

Kwento ng 15-anyos na biktima na grade 8 student, galing siyang eskwelahan at naghihintay ng jeep na masasakyan nang biglang sumulpot ang riding-in-tandem.

Hinablot ng angkas ang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P7,000 sabay takas.

Aminado si Sajun na siya ang nanghablot ng cellphone dahil kailangan niya ng pera pambayad sa eskwelahan at may sakit din umano ang kanyang anak.

Si Caspe naman ay iginiit na nadamay lang at hindi niya alam na gagawa ng krimen ang kanyang kaklase.

Kahit pa humingi ng tawad, desidido ang biktima na sampahan ng reklamong robbery ang mga suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, Robbery, two criminology students, Radyo Inquirer, Robbery, two criminology students

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.