WATCH: Mag-live in partner, arestado sa drug buy-bust operation sa Taguig

By Mark Makalalad February 07, 2018 - 07:06 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Sa kulungan ang bagsak ng mag-live in partner sa ikinasang drug buy-bust operation ng Southern Police District Drug Enforcement Unit sa isang bahay sa Ballecer St. Brgy. Central Signal Taguig City.

Target ng naturang operasyon sina Henry Enon, 37 taong gulang; at Danica Tinasas, 24 taong gulang na sinasabing notoryus na tulak ng droga sa lugar.

Ayon kay Police Chief Inspector Jerry Amindalan, hepe ng SPD DEU, matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa aktibidad ng dalawa, agad silang kumilos at nagkasa ng buy bust operation.

Nagpanggap ang operatiba na bumili ng P2,000 halaga ng shabu at matapos magkaabutan ng pera at illegal na droga ay doon na inaresto ang mga suspek.

Depensa naman ng dalawa, totoong gumagamit sila ng iligal na droga pero kanilang itinanggi ang pagtutulak nito.

Nasamsam sa kanila ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P40,000.

Sila ngayon ay mahaharap sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002.

 

 

 

 

TAGS: central signal, drug buy bust operation, PNP, Taguig City, War on drugs, central signal, drug buy bust operation, PNP, Taguig City, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.