Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Taguig City

By Mark Makalalad February 07, 2018 - 06:41 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa C5 service road Brgy. Western Bicutan Taguig City.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng biktima na nasa 5’2 ang taas.

Ayon sa Taguig Police, isang babaeng residente ang nakakita sa bangkay ng lalaki.

Tikom naman ang bibig ng mga residente sa lugar at walang makapagbigay ng impormasyon kung sino at ilan ang nasa likod ng krimen.

Nakuha sa crime scene ang limang basyo ng bala ng kalibre .45.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril at inaalam pa ang motibo sa pamamaril.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Barangay Western Bicutan, crime, Radyo Inquirer, taguig, Taguig City Police, Barangay Western Bicutan, crime, Radyo Inquirer, taguig, Taguig City Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.