LPA sa silangang bahagi ng Eastern Visayas, magpapaulan sa Mindanao

Maghahatid ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao ang binabantayang Low Pressure ng PAGASA.

Huling namataan ang LPA sa 540 kilometers east ng Guiuan Eastern Samar.

Maliit pa rin ang tsansa na magiging ganap na bagyo ang LPA, gayunman maghahatid na ng pag-ulan sa silangan ng Mindanao ang extension nito.

Ayon sa PAGASA, ang Caraga at Davao Region ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw.

Samantala, northeast monsoon ang umiiral ngayon sa buong Luzon kasama ang Metro Manila, gayundin sa Eastern Visayas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...