San Beda College, nagawaran na ng ‘university status’ ng CHED
Isa nang ganap na unibersidad ang San Beda.
Ito ay matapos aprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang aplikasyon ng kolehiyo upang maging isang unibersidad.
Ang naturang kumpirmasyon ay unang ibinalita ng ‘The Bedan’, ang opisyal na pahayagan ng San Beda.
Batay sa CHED Memorandum Order No. 48 series of 1996, ilang aspeto ang ikinukonsidera bago igawad ang university status sa mga ‘higher education institutions (HEI)’.
Kabilang dito ang kagalingan ng insitusyon sa ‘areas of instruction, research and extension’.
Kailangan ding may Level III (3) accreditation ang kahit apat sa undergraduate programs at dalawa sa graduate programs ng pamantasan.
Itinatag ng Benedictine monks ang San Beda noong 1901.
Ilan sa mga prominenteng alumni ng unibersidad ay sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Leila de Lima na parehong nagtapos sa San Beda College of Law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.