KZ Tandingan, lalaban sa hit reality singing competition sa China

 

Ipinakilala si KZ Tandingan bilang isa sa pinakabagong ‘challenger’ sa ‘Singer 2018’ na isang sikat na reality singing competition sa China.

Bigatin ang kalaban ng Filipina singer tulad nina Jessie J. mula sa UK, Tien Chong ng Hong Kong, Angela Chang mula Taiwan at mga sikat na singers mula sa China.

Ang pagpasok ng isang ‘challenger’ sa naturang kompetisyon ay bunga ng pagkakatanggal ng isang contestant sa pamamagitan ng public voting.

Sa unang tatlong episode ng kompetisyon, si Jessie J. na nasa likod ng mga sikat na kantang ‘Price Tag’, ‘Domino’, at ‘Flashlight’ ang nanguna sa botohan.

Umere na ang unang apat na episodes ng kompetisyon at ipinalalabas tuwing alas-8 ng gabi ng Biyernes.

Sakaling hindi matanggal at makakuha ng sapat na boto ay mananatili sa ‘Singer 2018’ si KZ hanggang sa finale nito sa Abril.

Read more...