UPDATE: Ilang gusali, gumuho dahil sa Taiwan quake

By Jay Dones February 07, 2018 - 03:00 AM

 

Ilang gusali ang gumuho o di kaya ay napinsala resulta ng malakas na magnitude 6.4 na lindol na tumama sa eastern Taiwan.

Bukod dito, hindi bababa sa anim na katao na ang naitalang nasawi resulta ng pagyanig.

Naramdaman ang lindol dakong alas 11:50 ng hatinggabi kagabi sa Eastern Taiwan, kung saan ang episentro ay naitala may 14 na kilometro sa east northeast ng Hualien County.

May lalim na sampung kilometro ang pinagmulan ng lindol.

Dahil sa may kababawan ang pinagmulan ng lindol, naitala ang Intensity 7 na paggalaw ng lupa sa mga lugar ng Hualien at Yilian county.

Sa Hualien District, gumuho ang unang palapag ng Marshal Hotel.

Isa pang hotel sa lugar ang makikitang nakahilig resulta ng malakas na pagyanig.

Ilang mga guest rin ng dalawang hotel ang napaulat na na-trap sa loob ng gusali.

Nagpapatuloy ang rescue operations sa ilang pang mga biktima ng naturang lindol.

Matatandaang noong nakaraang araw ng Linggo, isa ring magnitude 6.1 na lindol ang tumama sa kaparehong lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.