Inflation rate, sumipa sa 4% noong Enero dahil sa TRAIN Law
Sumipa sa apat na porsiyento ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas sa presyo ng mga produkto sa unang buwan ng taong 2018.
Ang naturang paggalaw ay mataas kung ikukumpara sa naitalang inflation rate noong December 2017 na nasa 3.3 percent lamang.
Gayunman, paliwanag ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, inaasahan na nila ang biglang pagtaas ng inflation rate dahil sa epekto ng TRAIN Law na naging epektibo noong nakaraang buwan.
Ito aniya ay dahil biglaan rin ang naging pagtaas ng presyo ng ilang bilihin na naapektuhan ng tax reform package tulad ng mga produktong petrolyo, sweetened beverages at iba pa.
Giit naman ng ilan pang mga economic managers ng pamahalaan, ito ay maituturing na nasa normal level pa rin.
Bago pa man anila ipatupad ang bagong Tax Reform Law ay kanilang inasahan na ang 2 hanggang 4 percent na pagtaas sa inflation rate sa unang buwan ng pagpapatupad ng naturang batas.
Oktubre 2014 nang huling sumipa sa kaparehong antas ang inflation rate ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.