Ayon kay Marcos, ito ay upang magtuluy-tuloy na ang pormal na ballot recount sa mga boto sa Vice Presidential race.
Paliwanag ni Marcos, nagawa na nila ang lahat upang mapabilis ang proseso kaugnay sa kanilang inihaing election protest laban kay Vice President Leni Robredo.
Sa ngayon, kanilang hinihintay na lamang aniya ang magiging tugon ni VP Robredo upang lagdaan rin ang naturang dokumento.
Matatandaang naunang nanawagan ang kampo ni VP Robredo kay Marcos na pirmahan ang joint motion upang bawiin ang lahat ng mosyon na nakahain sa SC na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal.
Ang hakbang ay upang matiyak na wala nang magiging hadlang upang maisulong ang ballot recount sa mga botong nakuha ng dalawang kampo noong May 2016 vice presidential elections.