Dela Rosa, may babala sa mga SAF na tatanggap ng suhol mula sa mga preso ng Bilibid

 

Binalaan ni Philippine National Police (PNP) chief Ronald dela Rosa ang mga bagong grupo ng Special Action Force (SAF) commandos na magbabantay sa New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi ni Dela Rosa na siya mismo ang babaril sa kanila kapag nalaman niyang tumatanggap ang mga pulis ng suhol.

Para sa hepe, sa lahat ng unit ng PNP, ang SAF ang pinakamagaling, pinakamalinis, pinakamatino at pinakamaasahan.

Ipinahayag ni Dela Rosa na hindi niya na alam kung sino pa na ang mapagkakatiwalaan niya, at malulugmok ang PNP kapag nadungisan ang SAF.

Hindi bababa sa 300 SAF commandos ang itinalaga sa NBP bilang bahagi ng regular reshuffling para maiwasan ang pagiging malapit sa mga preso ng mga nagbabantay na pulis.

Read more...