Sa talumpati ng pangulo sa 116th founding anniversary ng BOC, sinabi nito na ibibigay na lamang niya sa mga magbabakal ang mga sinirang sasakyan.
“I don’t know who’s the other one — sabi ko, “Ibigay ninyo ‘yan sa tiga-pabili ng bakal.” At least hindi sila maka kotse ng ganun pero baka may kuha pa sila doon, eh ‘di laru-laruan na lang”, ayon sa pangulo.
Pagtitiyak pa ni Duterte, hindi na niya hahayaan na lumaganap pa ang smuggling sa kanyang administrasyon.
Nakiusap din ang pangulo sa mga kawani ng gobyerno na kung maari iwasan na masangkot sa korupsyon kahit sa susunod na apat na taon na lamang o hanggang sa matapos ang kanyang termino sa taong 2022.
Pinuri rin ng pangulo ang mga tauhan ng BOC dahil sa pagkakakumpiska ng mga smuggled na sasakyan.
Binigyang diin din ng pangulo na hindi lahat ng mga kawani ng BOC ay mga kurakot.
Pero Sinabi ng pangulo na kahit sa kanilang lugar sa Davao City ay kapansin-pansin na malalaki ang mga bahay ng mga nagta-trabaho sa BOC at Bureau of Internal Revenue (BIR).