Pagbasura sa petisyon kontra Martial Law inaasahan na ng ilang mga Senador

By Ruel Perez February 06, 2018 - 04:57 PM

Inquirer file photo

Inaasahan na umano ng mga mambabatas na papaboran ng Korte Suprema ang isang taong pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III at Sonny Angara, pagpapakita lamang ito na kinilala lang ng Supreme Court ang kapangyarihan ng ehekutibo at
lehislatura bilang kapantay na sangay ng gobyerno.

Paliwanag ni Angara, maari lang naman na ipawalang- bisa ng Supreme Court ang martial law kung may nangyaring pag-abuso na malabo umanong mangyari
dahil sumunod sa proseso at itinatakda ng Saligang Batas ang Malacañang at Kongreso para sugpuin ang terorismo at mapigilan ang pagkalat nito sa Mindanao.

Samantala, ayon naman kay Senador Ping Lacson, wala namang ibinigay na dagdag na kapangyarihan sa pangulo o kongreso sa mga implementors ng marital law na maaring magamit para malabag ang bill of rights.

TAGS: Angara, lacson, Martial Law, Pimentel, Sotto, Angara, lacson, Martial Law, Pimentel, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.