Dagdag sweldo sa mga guro malabo ngayong taon

By Chona Yu February 06, 2018 - 03:49 PM

Inquirer file photo

Sa taong 2020 pa mapagbibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ng mga guro na pagtataas sa sweldo.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, hinahanapan pa kasi ng gobyerno ng pondo ang ibibigay na umento sa sahod sa mga guro.

Hindi lang kasi aniya ang mga guro ang bibigyan ng umento sa sahod kundi ang lahat ng mga manggagawa sa gobyerno.

Pero ayon kay Roque, makatitikim pa rin naman ng umento sa sahod ang mga guro ngayong taon dahil sa umiiral na salary standardization law.

Matatandaang tanging ang mga pulis at sundalo lamang ang napagbigyan ng pangulo na dobleng sahod.

Hindi naman sinabi ng Malacañang kung dodoblehin rin ang magiging sweldo ng mga guro tulad ng ibinigay sa mga pulis at sundalo.

TAGS: Malacañang, public school teachers, Roque, umento, Malacañang, public school teachers, Roque, umento

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.