Gordon: Pambu-bully kay dating Sec. Garin hindi mangyayari sa Senado

By Ruel Perez February 06, 2018 - 03:46 PM

Photo: Ruel Perez

Mariing binatikos ni Sen. Richard Gordon ang ginawang pag-atake ng mga galit na galit na mga magulang na ang mga anak ay naturukan ng Dengvaxia vaccine

Sa ginagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee at ng Committee on Health, binalaan ni Gordon na hindi mangingimi ang komite na parusahan ang sinuman na gagawa ng kaparehas na dahas sa sinumang resource person na inimbitahan ng dalawang komite na nag-iimbestiga sa Dengvaxia vaccine

Iginiit ni Gordon na kaya nga isinasagawa ang Senate investigation ay upang maiayos ang lahat ng problema kinakaharap at maibsan ang pangamba ng mga magulang lalo na ang mga naturukan ng Dengvaxia.

Sa pagdinig sa Kamara kahapon dinumog ng mga galit na magulang si Garin sa elevator.

Samantala, umapela naman si Garin sa mga magulang na huwag pairalin ang mob mentality at nanawagan na kung may mga reklamo kaugnay sa dengue vaccine ay idaan na lamang sa korte ang usapin.

TAGS: Blue Ribbon, denvaxia, garin, Gordon, Senate, Blue Ribbon, denvaxia, garin, Gordon, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.