Misa idinaos para sa ika-87 kaarawan ng yumaong si Ricardo Cardinal Vidal

CDN Photo

Ginunita ngayong araw sa Cebu ang ika-87 kaarawan ng yumaong si Cebu Archbishop Emeritus Ricardco Cardinal Vidal.

Isinagawa ang misa sa loob ng mausoleum ng cardinal sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Dinaluhan ng mga pari, madre, mga Obispo at mga residente ang nasabing misa.

Pagkatapos ng misa ay binasbasan ang libingan ni Vidal.

Noong Oktubre 2017, pumanaw si Cardinal Vidal sa edad na 86 matapos makaranas ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...