DOLE humihingi ng pasensya sa mga apektado ng deployment ban sa Kuwait

By Ricky Brozas February 06, 2018 - 12:32 PM

Nakiusap si Department of Labor and Employment (DOLE) Under Secretary Jacinto Jing Paras sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait ng kaunting pasensiya hinggil sa ipinatutupad na deployment ban sa nasabing bansa.

Ayon kay Paras, mareresolba rin ang sigalot sa usapin ng pagpapadala ng mga manggagawang Filipino sa Kuwait.

Sinabi ni Paras na kapakanan ng mga OFW ang kanilang prayoridad kaya hindi umano nila minamadali ang pagtanggal ng ban sa pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy doon.

Tinutugunan naman aniya nila ang problema ng mga OFW pero sa ngayon makabubuting huwag munang magpadala hangga’t hindi pa maayos ang arrangement sa pagitan ng Kuwaiti Government at ng gobyerno ng Pilipinas na magarantiyahan na ligtas ang mga OFW doon.

Kasalukuyan aniyang isinasapinal ang pag-uusap ng gobyerno ng dalawang bansa para ganap na matiyak ang protection sa mga OFW.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: deployment ban, DOLE, kuwait, ofw, deployment ban, DOLE, kuwait, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.