WATCH: Forensic experts at hindi ‘PAO-thologist’ ang kailangan sa imbestigasyon sa Dengvaxia – Sen. JV Ejercito

By Ruel Perez February 06, 2018 - 12:20 PM

Kuha ni Ruel Perez

Kailangan umano ng forensic experts at hindi ‘PAO-thologist’ para masiyasat kung Dengvaxia nga ang sanhi sa pagkamatay ng mga naturukan ng anti-dengue vaccine.

Ayon kay Senator JV Ejercito, bagaman hindi niya minamaliit ang ginagawang tulong ng Public Attorney’s Office (PAO), mas makakabuti na ipaubaya na lamang sa mga eksperto ang usapin.

Iginiit ni Ejercito na kapuri-puri ang ginagawang tulong ng PAO sa mga kaanak ng mga naturukan ng Dengvaxia>

Gayunman, nagkakaroon naman ng hysteria o panic ang publiko kapag ang bawat namamatay ay iniuugnay sa Dengvaxia.

Sa iinilabas na resulta ng eksaminasyon ng UP-PGH Dengue Investigative Task Force sa labingapat na nasawi na naturakan ng Dengvaxia vaccine tanging tatlo lamang dito ang nasawi sa Dengue at ang dalawa sa kanila ay sanhi ng vaccine failure.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti dengue vaccine, Dengvaxia, department of health, JV Ejercito, PAO, Radyo Inquirer, senate hearing, anti dengue vaccine, Dengvaxia, department of health, JV Ejercito, PAO, Radyo Inquirer, senate hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.