Pinadalhan na ng subpoena ng senado si Public Attorney’s Office chief Atty. Percida Acosta at ang forensic expert na si Dr. Erwin Erfe matapos na hindi sila dumalo sa imbestigasyon sa Dengvaxia.
Nagmosyon si Senator JV Ejercito, chairman ng senate health and demography committee, sa unang bahagi ng ikalimang pagdnig at inaprubahan ito ni senate blue ribbon committee chairman Senator Richard Gordon.
Ayon kay Ejercito, sa layong malaman ang katotohanan, mahalaga anya ang findings nina Acosta at Erfe ng PAO.
Hindi maunawaan ng senador kung bakit ayaw makipag-usap o makipag-tulunagn ng PAO sa mga eksperto ng UP-PGH.
Nag-aalala si Ejercito na pwedeng maapektuhan ang posibleng kaso laban sa Sanofi Pasteur kung hindi makikipag-tulungan ang PAO.
Ang PAO ang nagsagawa ng autopsy sa bangkay ng ilang batang hinihinalang namatay dahil sa Dengvaxia.