Mga tauhan ng SAF na nakabantay sa Bilibid, pinalitan

By Dona Dominguez-Cargullo February 06, 2018 - 11:33 AM

Inquirer.net Photo | Julliane de Jesus

Naglagay ng bagong grupo ng Special Action Force (SAF) sa maximum security compound ng New Bilibid Prisons (NBP).

Bahagi ito ng regular na reshuffle sa mga tauhan ng PNP-SAF na nagbabantay sa mga preso sa Bilibid para maiwasan ang ‘familiarity’ o maging malapit ang mga SAF sa mga preso.

Nasa 300 SAF commandos mula sa iba’t ibang batalyon sa bansa ang itinalaga sa Bilibid sa isinagawang seremonya, Martes (Feb. 6) ng umaga na pinangunahan ni PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa at SAF chief Police Director Noli Taliño.

Ito na ang ikaapat na reshuffle sa mga nagbabantay sa Bilibid mula nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga ng SAF sa bilangguan noong July 2016.

Sa kaniyang talumpati, pinaalalahanan ni Taliño anmg mga SAF commando na iwasang sila ay masuhulan lalo na at makakasalamuha nila ang mga preso.

Bilin ni Taliño sa kaniyang mga tauhan, huwag na huwag hahayaang sila ay magamit.

Ganito rin ang bilin ni Dela Rosa sa mga tauhan ng SAF.

Aniya ginagawa ng drug lord sa Bilibid ang lahat para masira ang SAF upang maibalik ang dating maluwag na pagbabantay sa kanila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bilibid, New Bilibid Prisons, Radyo Inquirer, SAF Troopers, Bilibid, New Bilibid Prisons, Radyo Inquirer, SAF Troopers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.