Hirit na imbestigahan ng kamara ang utang Pilipinas sa China, pag-aaksaya lang ng panahon ayon sa Malakanyang

By Chona Yu February 06, 2018 - 09:44 AM

Hindi na kailangan pa na paimbestigahan ni Magdalo Congressman Gary Alejano sa kamara ang mga term ng loan o ang utang ng Pilipinas sa China.

Paiwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, pag-aaksaya lamang ng panahon ang gagawin ni Alejano dahil mayroon namang Freedom of Information (FOI) sa sangay ng ehekutibo.

Payo pa ni Roque kay Alejano, makipag-ugnayan na lamang sa tanggapan ni Presidential Communications Assistant Secretary Kris Ablan para mabigyan ng kopya.

Sayang lamang aniya ang resources ng kamara kung papatulan pa ang balak ni Alejano.

Una rito sinabi ni Alejano na maghahain siya ng resolusyon para ipabusisi sa kamara kung anong mga termino ang ibingay ng Pilipinas dahil sa mga utang sa China.

Sinabi rin ni Finance Secretary Carlos Dominguez na balak ng Pilipinas na mangutang sa China ng P140 bilyon bukod pa sa nakuhang anim na bilyong grants para sa mga infrastructure projects

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: China, gary alejano, Harry Roque, loan term, philippines, China, gary alejano, Harry Roque, loan term, philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.