Bilang ng mga evacuees sa Albay na tinamaan ng sakit, umabot na sa halos 6,000

By Jan Escosio February 06, 2018 - 08:51 AM

Umabot na sa halos anim na libong evacuees ang tinamaan ng iba’t ibang uri ng sakit sa mga evacuation center sa Albay.

Sa datos ng Department of Health, sa mga nagkasakit, nangunguna pa rin ang kaso ng respiratory infection o sakit sa baga.

Sa bilang, 3,984 ang nagkaroon ng respiratory infection, kasunod ang lagnat na may bilang na 798.

May 520 ang naitala na may high blood pressure, 323 ang nagka-diarrhea at 268 naman ang ginamot dahil sa mga sugat.

Ang pagkakasakit ng mga evacuees ay sinasabing resulta ng siksikang mga evacuation centers at dahil na rin sa abo na ibinubuga ng Mayon at nalalanghap ng tao.

 

 

 

TAGS: Albay, department of health, Evacuation center, mayon volcano, Albay, department of health, Evacuation center, mayon volcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.