3 katao kabilang ang 1 menor de ead arestado matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Maynila

By Mark Makalalad February 06, 2018 - 07:33 AM

Kalaboso ang tatlong katao, kabilang na ang isang menor de edad matapos mahulihan ng iligal na droga sa kanto ng Batangas Street at Isabelo Delos Reyes Street sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Denmark Nunez, 19 anyos; Raechelle Velasco, 22 anyos at 13 anyos na binatilyo na pawang mga residente sa lugar.

Sa ulat ng Jose Abad Santos Police station, nagpapatrolya sa lugar ang kanilang mga tauhan at mga Brgy. Tanod ng Brgy. 228 Zone 21 nang mahuli nila sa akto na sinusuri ng mga suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Nang arestuhin ay tumambad sa kanila ang dalawa pang sachet para sa kabuuang tatlong sachet ng hinihinalag shabu.

Kasong illegal possession of dangerous drugs ang kakaharapin ng dalawa habang ang menor de edad naman ay itu-turn over sa Reception Action Center ng Manila Social Welfare Department.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 3 arrested for illegal drugs in Manila, Radyo Inquirer, Tondo Manila, 3 arrested for illegal drugs in Manila, Radyo Inquirer, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.