Huling namataan ang LPA sa 350 kilometers east ng bayan ng Guiuan.
Ayon sa PAGASA, maliit pa ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang LPA pero magdudulot pa rin ito ng pag-ulan sa Eastern Visayas at sa Mindanao.
Partikular na apektado ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa LPA ang Eastern Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Davao region.
Samantala, northeast monsoon naman ang nakaaapekto sa Cagayan Valley region, Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon.
MOST READ
LATEST STORIES