Hindi lamang dahil sa kasikatan ng Aldub o kaya ng Eat Bulaga kundi dahil sa maayos ang trabaho ni Senador Tito Sotto sa Senado kung kaya nanguna ito sa pinakahuling Senatorial Survey ng Pulse Asia.
Paliwanag ni Sotto, maaring hindi nakikita ng taong bayan pero perfect ang attendance niya sa mga sesyon at aktibong nakikilahok sa mga hearing, debate at iba pang aktibidad sa Senado.
Bago pa man aniya ang kasikatan ng aldub palagi nang nangunguna si Sotto sa mga senatorial surveys.
Sinabi rin ni Sotto na magsisilbing inspirasyon sa kanya ang mataas na ratings para lalo pang pag-butihin ang kanyang trabaho.
Bagaman nangunguna sa mga surveys, sinabi ni Sotto na pag-iibayuhin pa rin niya ang pangangampanya dahil simula sa February 5 ng susunod na taon ay hindi na siya maaring lumabas sa eat bulaga dahil sa magsisimula na ang election period.