SpaceX, magpapalipad ng kotse sa kalawakan

 

IG/elonmusk

Inaasahang muling gagawa ng kasaysayan ang SpaceX program ng kilalang pilantropo na si Elon Musk ngayong linggo.

Ito ay kung magagawang mapalipad nang matagumpay ang Falcon Heavy SpaceX rocket at ma-deploy nito sa kalawakan ang isang kotse at makabalik nang walang aberya ang booster sa lupa.

Sa ilalim ng plano, lilipad patungong outer space ang Falcon Heavy rocket gamit ang isa sa pinakamalakas na booster sa ngayon upang maideliver sa kalawakan ang isang Tesla Roadster bilang payload.

At kung maging tagumpay sa kanyang lift off, ay itururing na itong isang malaking tagumpay sa larangan ng space travel.

At sa kanyang re-entry, mangangailangang bumalik sa lupa sa tatlong stages ang kanyang Falcon rocket booster at lumapag sa mga floating drone ship sa Atlantic Ocean upang magamit muli sa mga susunod na mga rocket launch.

At kung magagawa ito ng SpaceX, ay matatatak muli ito sa kasaysayan bilang kauna-unahang pagkakataon na makapaglalapag ito ng tatlong rocket booster nang sunud-sunod.

Sa mga nakaraang launch ng SpaceX, nagawa na nitong ligtas na mailapag sa drone ship ang rocket booster matapos itong makarating sa kalawakan.

Ginawa ang SpaceX program upang maging mas mura ang space travel sa pamamagitan ng paggamit ng mga ‘reusable’ rocket booster.

Kung magiging paganda ang panahon, posibleng isagawa ang launch ng Falcon Heavy rocket sa Huwebes.

Read more...