Pilipinas, dapat iprotesta ang nagpapatuloy na militarisasyon sa Spratlys-Golez

By Jay Dones February 06, 2018 - 12:38 AM

 

Mula sa Inquirer.net

Dapat iprotesta ng Pilipinas ang pagpapatuloy ng militarisasyon ng China sa South China Sea.

Ito ang rekomendasyon ni dating National Security Adviser Roilo Golez matapos mabunyag na nagpapatuloy ang konstruksyon ng China sa mga bahura sa Spratlys.

Giit ni Golez, malinaw na tuluy-tuloy pa pa rin ang paglalagay ng mga istruktura at mga pasilidad sa mga man-made islands sa naturang rehiyon.

Ito’y sa kabila ng pagtitiyak pa mismo ni Chinese President Xi Jinping noon kay Pangulong Rodrigo Duterte na walang militarization sa South China Sea.

Nakasaad aniya sa 2016 ruling ng Permanent court of Arbitration na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang ilan sa mga lugar na tinayuan ng struktura ng China.

Tinutukoy ni Golez ang Panganiban reef o Mischief reef na nilagyan na ng runway at iba pang pasilidad ng China.

Ang Subi o Thitu island naman aniya ay may 12 milya lamang ang layo sa Pag-asa island na okupado ng Pilipinas.

Labis aniyang nakakabahala ang mga hakbang ng China dahil marami sa mga struktura at pasilidad na itinayo ng mga ito ay may kakayahang maglunsad ng rapid deployment at amphibious assault sa mga lugar na malapit sa kailang bisinidad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.