Ilang galit na ina, sinugod si ex-Sec. Garin

By Rohanisa Abbas February 05, 2018 - 11:53 PM

 

Mula sa inquirer.net

Sinugod ng mga galit na galit at emosyonal na mga magulang si dating Health Secretary Janette Garin matapos ang pagdinig ng Kamara sa dengue immunization program.

Suot nila ang itim na damit na may tatak na “Justice for Dengvaxia Victims” at sinabing myembro sila ng United Parents Against Dengvaxia Philippines.

Idinaing ng mga ina ang mga dinaranas ng kanilang mga anak matapos maturukan ng Dengvaxia.

Kinompronta ni Felicitas Asembrado si Garin. Sinabi ng 53 taong gulang na ina mula sa Zamboanga City na nkararanas ng pananakit ng tiyan, ng ulo, lagnat at joint pains ang kanyang 11-taong gulang na anak.

Ayon kay Asembrado, nakumpleto ng kanyang anak ang tatlong dosage ng Dengvaxia kung saan pinakahuli ay noong July 2017.

Dagdag ng ina, may mga kapit-bahay umano siya na namatay.

Meron pa umanong dumulog sa Philippine General Hospital pero tinanggihan.

Nanawagan si Asembrado na tulungan sila kung ano ang kailangang lunas sa kani-kanilang mga anak.

Matapos ang komosyon, ipinahayag ni Garin ang kalungkutan sa insidente.

Sinabi ng dating kalihim na maling impormasyon ang ipinararating sa mga ina para umusbong ang galit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.