5 arestado sa shabu session sa Maynila

 

Arestado ang limang kalalakihan matapos maaktuhang gumagamit ng shabu sa riles ng PNR corner Mindanao Extension sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Narciso Cortez, 50 taong gulang; Jobern Del Rosario, 48 taong gulang; Ronnie Raga, 43 taong gulang; Michael Loyola, 42 taong gulang; at Fernando Tagle, 46 taong gulang.

Ayon kay Gulod PCP Commander Police Senior Inspector Pidencio Saballo Jr., nakatanggap sila ng tawag mula sa concerned citizen kaugnay sa shabu session sa bahay.

Agad nila itong nirespondehan at tumambad ang mga suspek na gumagamit ng shabu.

Depensa naman ng mga nahuli, gumagamit lang sila ng iligal na droga pero hindi naman sila nagtutulak.

Narekober sa operasyon ang 12 pakete ng shabu kasama na ang mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...