Ipinahayag ito ni Sara makaraang ihain ni Trillanes ang Senate Resolution No. 602 para imbestigahan ang umano’y tagong-yaman ng mag-ama.
Sinabi ng Davao City Mayor na nakalulungkot ang ginagawa ng senador na buhayin ang usapin na napatunayan nang isang haka-haka lamang.
Dagdag ni Sara, hindi maaaring magsampa ng kaso si Trillanes dahil wala siyang batayan nito. Aniya, nagsisinungaling lamang ang senador.
Sinabi ni Sara na mahilig ibida ni Trillanes ang kanyang mga testigo sa Senado, gayong hindi niya maiharap si Joseph De Mesa na kanyang pinagmulan ng impormasyon batay sa kanyang affidavit.
Ayon kay Trillanes, posibleng lumabag ang ang mag-amang Duterte sa Anti-Money Laundering Act dahil bigo umano silang isaad sa kani-kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) ang kanilang P100 milyong joint deposits at investments sa Bank of the Philippine Islands.