Mga opisyal ng DOH na sangkot sa isyu ng Dengvaxia, kinasuhan sa Office of the President

By Chona Yu February 05, 2018 - 08:26 PM

Sumugod sa palasyo ng Malakanyang ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) para sampahan ng kasong grave misconduct at gross negligence ang labing tatlong opisyal ng Department of Health (DOH) na sangkot sa Dengvaxia vaccine controversy.

Ayon kina dating Biliran Congressman Glenn Chong, Atty. Manuel Luna at
Atty. Nasser Marohomsalic, miyembro ng VACC, kabilang sa kanilang kinasuhan sina Usec Carol Tanio, Usec Gerardo Bayugo, Usec Lilibeth David, Usec Mario Villaverde, Asec. Lyndon Lee-Suy, Asec Nestor Santiago at iba pa.

Nais ng grupo na ma-dismiss sila sa serbisyo.

Pero bago desisyunan ng pangulo ang kanilang reklamo, hiniling na nila na mapatawan muna ng preventive suspension ang mga inireklamo at makasuhan ng administratibo.

Ayon kay Chong, si Dr. Carlito Cairo na na siyang Project Manager ng DOH ang kanilang witness sa reklamo.

Ayon pa sa grupo kaduda-duda ang pag-apruba sa nasabing malawakang vaccination project na inabot langng higit 4 na buwan bago maaprubahan.

Dapat aniya ay tinapos muna ang limang taon na syang madalas na panahon para sa pagsasagawa ng clinical trials sa mga bagong bakuna.

TAGS: Dengvaxia, doh, vacc, Dengvaxia, doh, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.