Ayon kay PNP chief Director General Ronald dela Rosa, dinadagdagan ng pulisya ang mga kagamitan ng kanilang units at mga stasyon.
Aniya, kinakailangan nilang depensahan ang kanilang mga sarili at kailangang nasa “attack mode” ang mga pulis.
Ipinahayag ito ng hepe makaraang himukin ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison ang NPA na maglunsad ng mga pag-atake para mapilitan ang gobyerno na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.
Magugunitang kamakailan ay inaresto ang consultant ng national Democratic Front na si Rafael Baylosis at kasamahang si Roque Guillermo Jr. dahil sa illegal possession of firearms and explosives.