PNP, pinaghahandaan ang posibleng pag-atake ng NPA

By Rohanisa Abbas February 05, 2018 - 04:39 PM

Pinaiigting ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabantay sa seguridad at pagtitiyak ng kaligtasan ng publiko sa gitna ng mga posibleng pag-atake ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay PNP chief Director General Ronald dela Rosa, dinadagdagan ng pulisya ang mga kagamitan ng kanilang units at mga stasyon.

Aniya, kinakailangan nilang depensahan ang kanilang mga sarili at kailangang nasa “attack mode” ang mga pulis.

Ipinahayag ito ng hepe makaraang himukin ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison ang NPA na maglunsad ng mga pag-atake para mapilitan ang gobyerno na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.

Magugunitang kamakailan ay inaresto ang consultant ng national Democratic Front na si Rafael Baylosis at kasamahang si Roque Guillermo Jr. dahil sa illegal possession of firearms and explosives.

TAGS: NPA, PNP, NPA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.