Beauty standard na “mas maganda” sa mga Pilipino sa isang textbook, umani ng batikos
Ikinabahala ng netizens ang nilalaman ng isang textbook na tila nagdidikta sa standard ng kagandahan.
Sa kanyang Facebook page, ipinost ni Cebu City Tomas Osmeña ang litrato ng isang pahina sa libro ng apo ng kanyang kaibigan. Nakasaad dito na mas maganda sa mga Pilipino ang babaeng mestiza, maputi ang balat, matangos ang ilong at kulot ang buhok.
“Unlike most Filipinos, she has curly hair that makes her more beautiful. She looks like a mestiza with her pointed nose and white fair skin.”
Reaksyon ni Osmeña, katawa-tawa at nakalulungkot na ito ang kanyang nakita sa homework ng apo ng kanyang kaibigan. Tinawag din ng mayor ang pansin ng Department of Education kaugnay nito. Umani ng mahigit 2,600 reactions ito, kung saan mahigit 1,200 ang nag-like, 534 ang nag-react ng “haha” habang 491 naman ang galit. Ibinahagi sa Facebook nang 549 beses.
Isa sa top comments ay ang sinabi ni Robert Kennedy. Aniya, hindi siya makapaniwala na itinuturo ito sa mga bata. Kwento ni Kennedy, ikinagagalit ng mga tao sa United States kapag sinasabihan sila ng malaki o matangos na ilong. Dagdag niya, naghihirap din ang ilang mga tao roon para maging kasingganda ng mga PIlipino.
Ilan pa sa mga nagkomento sa post ni Osmeña ay nagsabing isa ito sa rason kung bakit hindi kinikilala ng mga tao ang kagandahan ng bawat isa, itinuturo nito na hindi dapat mahalin ang Filipino heritage, at tila nagsisimula umano ang “racism” sa mga paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.