Sinabi ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada, aasikasuhin muna ng ahensiya ang mga aplikasyon na kanilang tinanggap noong nakaraang Hulyo 2017, iyan ay kahit pa inanunsiyo nila ang pagpapaliban ng pagtanggap ng bagong aplikasyon para sa TNVS sa Marso 5, 2018.
Kailangan daw kasi muna nilang matukoy ang kabuuang bilang ng mga pending applications matapos isagawa ang independent audit sa TNVs lalo’t ilan sa mga driver ay hindi na aktibo habang ang iba naman ay kailangan tanggalin dahil sa isyu ng foreign ownership.
Ngayong linggong ito ay lilinisin na ng LTFRB ang listahan ng TNVs.
Noong nakaraang Enero, naglabas ang LTFRB ng Memorandum Circular 2018-003, na nag-aatas ng sapat na bilang ng TNVs sa buong bansa, kabilang dito ang 45,000 units para sa Metro Manila, 500 units para sa Metro Cebu at 200 para sa Pampanga.