Kauna-unahang kaso kaugnay sa pagkasawi ng isang bata na naturukan ng Dengvaxia, isasampa na ng PAO
Isasampa na ng Public Attorney’s Office (PAO) at ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ng unang kasong sibil laban sa mga umano’y responsable sa pagkamatay ng isang 10 taong gulang na bata na naturukan ng Dengvaxia.
Ayon kay PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta, nakatakda nilang isampa ang kaso ngayong araw.
Ang mga sasampahan ng kaso ay ang mga opisyal na nanguna sa immunization program ng pamahalaan.
Ang unang kaso na isasampa ng PAO ay kaugnay sa pagkamatay ng batang si Anjelica Pestilos ng Quezon City na nakaranas ng “bleeding” makaraang maturukan ng Dengvaxia.
Sa ngayon patuloy ang pagsasagawa ng autopsy ng PAO sa iba pang mga bata na nasawi matapos maturukan ng bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.