Klase at trabaho sa ilang paaralan sa Baguio City sinuspinde matapos ang magnitude 3.4 na lindol
Matapos ang magnitude 3.4 na lindol sa Baguio City na naganap Lunes (Feb. 5) ng umaga, sinuspinde ang klase at trabaho sa ilang paaralan sa lungsod.
Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Baguio City at naramdaman ang intensity IV sa lungsod.
Ayon sa Office of the Civil Defense (OCD), wala namang naitalang pinsala bunsod ng pagyanig.
Gayunman, ilaang paaralan na rin ang nagpasya na suspindihin na ang klase para sa kaligtasan ng mga estudyante.
Ang Saint Louis University, sinuspinde ang klase sa lahat ng antas at pinauwi na rin ang kanilang mga empleyado.
Nagkansela na rin ng klase at pasok sa trabaho ang Pines City Colleges ayon sa anunsyo ng kanilance vice president for academic affairs na si Dr. Abigail Bersamin.
Sa datos ng PHIVOLCS, naitala ang epicenter ng lindol sa 7 kilometers South ng Baguio City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.