Hirit na full refund ng DOH sa nagastos sa Dengvaxia, tinanggihan ng Sanofi

Tinanggihan ng Sanofi Pasteur ang demand ng gobyerno ng Pilipinas na full refund ng P3.5 billion na nagastos sa dengue vaccination program gamit ang Dengvaxia.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay sinabi ng Sanofi na para sa mga hindi pa nagka-dengue ay maaaring magresulta sa matinding sintomas ng dengue ang Dengvaxia.

Nagbalik na ang kumpanya ng inisyal na P1.16 billion noong nakaraang buwan para sa mga hindi nagamit na doses ng Dengvaxia.

Pero sa sulat ng Sanofi sa Department of Health (DOH) ay tumanggi ang kumpanya na mag-refund kahit para sa mga gamit ng doses at suportahan ang isang indemnification fund.

Paliwanag ng Sanofi, ang pagpayag nila sa refund para sa mga used doses ng Dengvaxia ay magpapahiwatig na hindi epektibo ang bakuna gayung hindi umano ito ang kaso.

Kaugnay naman ng indemnification fund, iginiit ng Sanofi na walang safety o quality concerns sa Dengvaxia.

 

 

 

 

 

 

Read more...