Senado hindi tamang venue para imbestigahan ang umano’y tagong yaman ng mag-amang Duterte – SP Pimentel
Ang senado ay hindi tamang body para imbestigahan ang umano’y tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito.
Pahayag ito ni Senate President Koko Pimentel sa hakbang ni Senator Antonio Trillanes IV na magsagawa ng imbestigasyon ang senado sa umano ay bank accounts nina Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.
Ayon kay Pimentel, una na itong sinubukan ni Trillanes laban sa anak ng pangulo na si Dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at mister ni Inday Sara na si Mans Carpio.
Bukod dito, ang presidential son at si Carpio ay isinangkot ni Trillanes sa P6.4 billion shabu shipment mula China na nakapuslit sa Bureau of Customs (BOC).
Pero sinabi ni Pimentel na kung talagang may ebidensya si Trillanes ay dapat na idulog nito ang aktuwal na kaso sa tamang venue dahil ang senado ay hindi ang tamang body dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.