Findings ng NBI at PAO sa imbestigasyon sa Dengvaxia, ipinasusumite na ng DOJ

By Dona Dominguez-Cargullo February 05, 2018 - 09:54 AM

Inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) at Public Attorney’s Office (PAO) na isumite na ang resulta ng kanilang pagsisiyasat kaugnay sa pagkasawi ng mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre III na aasahan niya ang report ng NBI at PAO ngayong linggong ito.

Kasabay nito, sinabi ni Aguirre na hindi niya pahihintuin ang PAO sa pagsasagawa ng autopsy sa katawan ng mga batang nasawi.

Ito ay sa gitna ng mga panawagan na dapat ihinto ng PAO ang isinasagawang autopsy dahil hindi naman umano sila eksperto sa medisina.

Paliwanag ni Aguirre, fact finding ang isinasagawa ng NBI at PAO at pawang ‘factual’ lamang ang inilalabas nila batay sa resulta ng autopsiya.

Ani Aguirre, si Dr. Erwin Erfe ng PAO ay isang medico-legal expert at wala siyang nakikitang masama sa paglalahad nito ng mga detalye ng resulta ng autopsy sa mga nasawi.

Paliwanag ni Aguirre, pawang factual at resulta lamang ng autopsy ang inilalahad ni Erfe at hindi naman ito naglalabas ng conclusion na “Dengvaxia nga ang ikinasawi ng mga bata”.

“Ang sa akin, fact finding lamang iyan kaya walang problema sa pag-autopsy ng PAO, si Dr. Erfe ay medico-legal lamang pero walang masama doon. Hindi siya eksperto to say na ito ay produkto o epekto ng Dengvaxia, yung factual lang naman ang sinasabi at inilalabas niya.” Ayon kay Aguirre.

Sa naunang kautusan ni Aguirre, pinatutukoy nito sa NBI ang criminal at administrative liability ng mga nasa likod ng Dengvaxia controversya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: aguirre, Dengvaxia, department of health, NBI, PAO, aguirre, Dengvaxia, department of health, NBI, PAO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.