Oil tanker na mayroong 22 crew, nawawala sa Gulf of Guinea

By Dona Dominguez-Cargullo February 05, 2018 - 09:42 AM

Nawawala ang isang barko na mayroong sakay na 22 Indian crew sa Gulf of Guinea.

Huling nakita ang Marine Express tanker noong Biyernes ng madaling araw sa karagatang sakop ng Benin, West Africa.

Maliban sa mga crew, sakay din ng oil tanker ang aabot sa 13,500 tons ng gasolina.

Hindi pa alam sa ngayon kung ano ang dahilan ng pagkawala ng barko at nagpapatuloy na ang search operation sa tulong ng mga otoridad sa Benin at Nigeria.

Nitong nagdaang mga taon, tumataas ang kaso ng pagsalakay ng mga pirata sa mga cargo ship sa Gulf of Guinea.

Sa ulat ng International Maritime Bureau (IMB) na inilabas noong nagdaang buwan ng Enero, noong nakaraang taon, nakapagtala sila ng 10 insidente ng kidnapping sa Nigerian waters kung saan 65 crew ang biktima.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Benin, Marine Express tanker, West Africa, Benin, Marine Express tanker, West Africa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.