Baguio City, niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

(update) Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Baguio City, Lunes (Feb. 5) ng umaga.

Naganap ang lindol alas 8:42 ng umaga sa 7 kilometers South ng Baguio

Dahil sa nasabing pagyanig, naitala ng PHIVOLCS ang Intensity IV naitala sa Baguio City

May lalim lang na 16 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Sa unang earthquake information na inilabas ng PHIVOLCS, sinabi nitong magnitude 3.8 ang lindol at ang epicenter nito ay tumama sa Pugo, Benguet.

Pero kalaunan, naglabas ng updated information ang PHIVOLCS at ibinaba sa 3.4 ang magnitude ng lindol at binago rin ang epicenter.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...