WATCH: Bulkang Mayon, ilang araw na nanahimik; pero mapanganib pa rin ayon sa PHIVOLCS

Kuha ni Jan Escosio

Ilang araw na nanahimik ang Bulkang Mayon.

Bagaman tuloy sa pagbubuga ng abo ng bulkan ay hindi karamihan at hindi kataasan ang naitatala nitong nagdaang mga araw.

Gayunman, ayon sa PHIVOLCS, sa kabila ng pananahimik ng bulkan ay nananatili itong mapanganib.

Habang tuluy-tuloy umano kasi ang pagdaloy ng lava mula sa bunganga ng bulkan ay nangangahulugang may aktibidad pa rin sa loob nito.

Narito ang ulat ni Jan Escosio:

Read more...