WATCH: 7 kabataan arestado sa aktong pagre-repack ng marijuana sa Tondo

By Mark Makalalad February 05, 2018 - 07:44 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Kalaboso ang pitong kabataan matapos maaktuhang nagre-repack ng marijuana at gumagamit ng illegal na droga sa isang bahay sa Quezon St. corner Liwayway St. Tondo Maynila pasado alas-4:00 ng madaling araw ng Lunes.

Ayon kay Don Bosco PCP Commander Police Senior Inspector Ariel Ilagan, nakatanggap sila ng tawag mula sa concerned citizen na may illegal na transaksyon ang mga kabataan sa lugar.

Nang pasukin na ang bahay na pagmamay-ari ng isang Russel Mallari, 21 taong gulang, tunambad na sa mga otoridad ang mga marijuana sa lamesa ng bahay at mayroon pang mga empty plastic.

Bukod kay Mallari, huli rin sina Ross Mayores, 20 taong gulang; Erwin Cruz, 18 taong gulang; Sam Blangkera, 18 taong gulang; Angel Grace Tamayo, 21 taong gulang; Denice Marie Arana, 22 taong gulang; at isang 16-taong-gulang na babae.

Aminado si Mallari na gumagamit siya ng marijuana pero itinanggi niyang nagrerepack sila sa bahay.


Itinanggi rin ng ibang suspek na may kinalaman sila sa illegal na droga.

Aabot sa kalahating kilo ng marijuana ang nasabat ng mga otoridad.

Nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang anim na kabataan habang ang isang menor de edad naman ay itu-turn over sa DSWD.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 7 arrested, Marijuana, shabu, Tondo Manila, 7 arrested, Marijuana, shabu, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.