Pagbili ng COMELEC sa mga lumang VCM, hindi kinontra ng NAMFREL

By Kabie Aenlle February 05, 2018 - 03:53 AM

 

Walang nakikitang problema ang National Movement for Free Elections (NAMFREL) sa pagbili ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga lumang vote counting machines na ginamit sa mga nagdaang halalan.

Ayon kay NAMFREL secretary general Eric Alva, ang nasabing desisyon ay ginawa ng en banc mula sa rekomendasyon ng COMELEC Advisory Council.

Gayunman, naniniwala si Alva na maaring may mas maganda pang desisyon sana ang COMELEC kung hindi lang sila ipit sa budget.

Mayroon pa naman aniya kasing mas magandang maaring pagpilian ang COMELEC na mga kagamitan.

Matatandaang nagdesisyon ang COMELEC na bilhin ang 10,000 na vote counting machines na nagamit na nila sa mga nagdaang halalan upang makatipid.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.