Mula sa dating P3,500 ay magiging P3,750 na ang Bar examinations fee o may dagdag na P250 katumbas ng 7.14 percent na pagtaas.
Ayon sa en banc notice ng Supreme Court, ang naturang pagtataas ay upang makaagapay ang Korte sa gastos sa operasyon ng pagsusulit partikular sa gastos sa venue at maging sa iba pang logistical expenses at allowance ng mga itatalagang tauhan para sa eksaminasyon.
Inaasahan din umano ng SC na lolobo ang bilang ng mga kukuha ng pagsusulit ngayong taon.
Umabot sa 7, 227 ang kabuuang bilang ng law graduates na pinayagan ng SC sa Bar exam noong 2017.
Mananatili namang venue ng Bar exam ngayong 2018 ang University of Santo Tomas.
Magaganap ito sa loob ng apat na Linggo ng Nobyembre.