Presyo ng produktong petrolyo, may dagdag na naman ngayong linggo

By Jay Dones February 05, 2018 - 03:07 AM

 

Tuluy-tuloy pa rin ang walang humpay na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong 2018.

Sa ikaanim na sunud-sunod na linggo, muling magtataas ng presyo ang mga kumpanya ng langis ngayong linggong ito.

Ayon sa pagtaya, inaasahang magkakaroon ng dagdag na P0.50 hanggang P0.70 sentimos na umento sa bawat litro ng gasolina.

Samantala, tinatayang nasa P0.30 hanggang P0.40 naman ang magiging dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.

P0.50 hanggang P0.60 naman ang madadagdag sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Sa kabuuan, simula ng taong 2018, umaabot na sa P5.55 ang itinaas ng presyo ng bawat litro ng diesel at P4.70 per liter sa gasolina dahil sa pinagsamang dagdag sa import price at epekto ng excise tax.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.