Facebook nag-offline sa ilang panig ng mundo

By Den Macaranas September 29, 2015 - 04:36 PM

facebook-down
Currentlydown.com

Fully restored at accessible na ang Facebook sa ibat-ibang panig ng mundo makaraan itong dumanas cyber signal outage sa loob ng halos ay apatnapu’t dalawang minuto.

Sinabi ni Facebook spokesman Jay Nancarrow na nawala sa internet ang Facebook sa malaking bahagi ng North America, Europe, Australia at India.

Ang ikalawang outage sa linggong ito ay naganap sa pagitan ng 3pm at 4pm Eastern Time ayon na rin sa pagmomonitor ng Downdetector.com

Ipinaliwanag ni Nancarrow na inaalam pa nila ang sanhi ng pagkaputol ng kanilang serbisyo pero nanatili namang gumagana ang kanilang messenger services sa nabanggit na mga lugar.

Iniulat naman ng Currentlydown.com na target ng mga hackers ang nasabing social networking site pero umaasa sila na sapat ang mga nakalatag na cyber protection para hindi mapasok ng mga online intruders ang personal details ng mga FB users.

Sa kasalukuyan ay umaabot sa 1.49Billion ang mga gumagamit ng Facebook kung saan ang Pilipinas ay isa sa may pinaka-maraming active users na umaabot sa halos ay 40Million accounts.

TAGS: facebook, outage, philippines, facebook, outage, philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.