Kinilala ang mga lulan ng eroplano na sina Muniandy Harihalan, piloto ng eroplano at isang Malaysian, 23-anyos at ang pasahero nitong si Max Edward Harvey, 28-anyos, isang Briton.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, patungo sana ang 4-seater Piper Aztec plane na pagmamay-ari ng Helitrend Corp. sa Sangley Point sa Cavite City mula sa Palawan nang makaranas ito ng engine trouble sa kanyang pag take-off.
Lulan umano ng eroplano ang mga buhay na isda.
Dahil dito, napilitan ang piloto na ilapag sa baybayin ng Sitio Landing, Bgy. Agutaya sa bayan ng San Vicente ang nasiraang eroplano.
Agad namang tinulungan ng mga nakasaksing residente ang mga pasahero ng eroplano.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng CAAP sa posibleng dahilan ng naranasang problema sa makina ng eroplano.